ABSTRACT : Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin ang epekto ng Digital Comiks sa paglinang ng kakayahang panggramatika sa Filipino. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng experimental na pamamaraan. Ang mga respondente ay pinili sa pamamagitan ng purposive sampling sa Baitang 11 na may kabuuang 60 na mag- aaral sa Northern Quezon College, Inc. antas ng Senior High School. Ang mananaliksik ay gumamit ng Digital Comics, isang self-made checklist questionnaire at pre-test at post-test bilang instrumento. Batay sa nakalap na mga datos, ang antas ng Balidasyon sa Digital Comics batay sa Biswal, Istruktura ng Kuwento, Karakter, Diyalogo Aksyon, kakayahan sa bahagi ng panalita, kakayahan sa wastong gamit ng kataga at salita at Wastong gamit ng bantas ay lubos na sumasang-ayon. Dahil sa hindi nagkakalayong iskor ng dalawang pangkat sa paunang pagsusulit ang kanilang pag-unawa sa Filipino ay may punang medyo tanggap. Ayon naman sa resulta ng panapos na pagsusulit, ang antas ng pag-unawa ng pangkat kontrol ay may medyo katanggap-tanggap. Samantalang ang antas naman ng pag-unawa ng pangkat eksperimental ay may punang katanggap-tanggap. Bukod pa rito, lumitaw sa pagsusuri ng datos na may malinaw at makabuluhang pagkakaiba sa naging resulta ng pagsusulit ng dalawang pangkat.