ABSTRACT: Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang kabatiran ukol sa Epekto ng Serbisyong Pang-Edukasyon sa Satispaksyon ng mga nakapagtapos ng Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon Medyor sa Filipino: Imahe ng Institusyon bilang Tagapamagitan na Baryabol. Sa pagpapatibay at pagsakatuparan ng pag-aaral, ito ay ginamitan ng kwantitatibong disenyo sa deskripsyong tagapamagitan na baryabol. Ang mga piniling respondente ay ang mga nakapagtapos ng BSEd Filipino na may naitalang sampol na 72 ng mga nakapagtapos sa sekondaryang edukasyon na siyang naging respondente. Batay sa sa naging resulta, natuklasan na ang epekto ng serbisyong pang-edukasyon ay may mataas na antas; ang satispaksyon sa mga nakapagtapos ng BSEd Filipino ay may mataas na antas at ang imahe ng institusyon bilang tagapamagitan na baryabol na may pinakamataas na antas ng pagpapahalaga sa imahe ng institusyon. Napatunayan na ang epekto ng serbisyong pangedukasyon sa satispaksyon sa mga nakapagtapos ay may makabuluhang ugnayan sa imahe ng institusyon.