ABSTRACT: Ang kakulangan sa exposure at pagkatuto ng wika sa mga mag-aaral ay patuloy na isang pangunahing alalahanin sa kasalukuyang sistema ng edukasyon, na nakakaapekto sa kanilang pagkatuto. Sa kabila ng mga pag-aaral ukol sa mga sanhi at solusyon, patuloy pa rin ang mga alalahanin ng mga mag-aaral hinggil dito. Kaya’t layunin ng pag-aaral na ito na tuklasin ang epekto ng impluwensya ng interes sa wika sa ugnayan ng exposure sa wika at pagkatuto ng wika. Ang disenyo ng pananaliksik ay ginamitan ng kwantitatibong pananaliksik at correlational na pamamaraan. Ang mga datos ay nakalap mula sa 197 mag-aaral na kumukuha ng kursong Filipino sa Kapalong College of Agriculture, Sciences, and Technology. Ang mga natuklasan ay nagpakita na mataas ang antas ng impluwensya ng interes sa wika, gayundin ang antas ng exposure sa wika at pagkatuto ng wika. Mayroon ding mga makabuluhang ugnayan sa pagitan ng tatlong baryabol. Ipinakita rin ng mga resulta na ang impluwensya ng interes sa wika ay may malaking epekto sa ugnayan ng exposure sa wika at pagkatuto ng wika. Samakatuwid, nagbigay ang mga resulta ng mahalagang impormasyon na maaaring magamit ng institusyon, mga guro, mga mag-aaral, at mga susunod pang mga mananaliksik.