ABSTRAK : Ang pananaliksik na ito at naglalayong suriin ang mga pedagohikal na kakayahan ng mga guro at akademikong perfomans ng mga mag – aaral sa asignaturang Filipino sa Paaralang Elementarya ng Andres Bonifacio College, Inc. sa taong panuruan 2024 – 2025. Ginamit ang deskriptibo – korelesyonal na desinyo ng pananaliksik, at pamaraang sarbey. Ang mga datos ay sinuri sa pamamagitan ng mga kasangkapan tulad ng weighted mean, standard deviation, at Spearman Rank – Order Correlation Coefficient na may kasamang Jamovi software. Mayroong isang daan at dalawampu’t siyam (129) na mga mag – aaral na kasali sa pananaliksik na ito. Ang mga guro sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang ay may napakataas na antas ng pedagohikal na kakayahan sa pagtuturo ayon sa persepsyon ng mga respondente. Ang mga mag – aaral sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang ay may napakagaling na akademikong performans. Walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng pedagohikal na kakayahan ng mga guro at akademikong performans ng mga respondente.