ABSTRACT : Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga ambiguidad mula sa mga pahayag ni Alice Guo sa pagdinig ng Senado sa kaniyang kaso. Layunin nitong tukuyin ang ambiguidad at bigyan ng interpretasyon gamit ang kagamitang pandiskurso mula sa Discursive Psychology nina Edwards at Potter (1992) at transitivity processes ng Systemic Functional Linguistics (SFL) ni M.A.K. Halliday (1994). Ginamit ng pag-aaral na ito ang kwalitatibong disenyo ng pananaliksik gamit ang diskursong pagsusuri bilang dulong upang suriin ang siyam (9) na pagdinig ng Senado. Batay sa resulta, sampung kagamitang pandiskurso ang makikita sa kaniyang mga pahayag, ngunit apat na kagamitan ang namukod dahil kakikitaan ito ng ambiguidad: ang lubos na pagpapalawak ng pahayag, retorikal na pagtatambis, three-part lists at di-tuwirang pananalita. Dagdag pa, tatlong proseso ng tansitivity ang namukod sa ginawang pagsusuri: materyal na proseso, relasyonal na proseso at mental na proseso dahil pinakamadalas itong makita sa mga pahayag ni Alice Guo na nakikitaan rin ng ambiguidad.
KEYWORDS – ambigwidad, discursive devices, transitivity processes, pagdinig ng senado, Alice Guo