ABSTRAK : Layunin ng pananaliksik na ito na tukuyin at ilarawan ang mga pamamaraan na ginagamit na mga scammer sa pagpapadala ng mga text messages at upang maunawaan ang mga estratehiya ng mga scammer na makakatulong sa pagprotekta sa mga mag-aaral mula sa mga scams. Gamit ang kwalitatibong desinyo ng pananaliksik at diskursong pagsusuri ; tinalakay ang limampu’t isang (51) scam text messages bilang bahagi ng korpora ng pag-aaral. Batay sa mga natuklasan tatlong mood types ang pinakamadalas sa mga scam text messages na natatanggap sa selpon : pasalaysay (declarative), pautos (imperative), at padamdam (exclamative). Bukod dito, tatlong elemento ng Fraud Triangle ang ginamit sa pagsusuri ng mga salitang nagpapahiwatig ng intensyon ng scammer para magmanipula sa biktima base sa pagkakaayos ng mga scam text messages : panggigipit (pressure), pagkakataon (opportunity), pagbibigay-katwiran (rationalization).
Mga Susing Salita : Diskursong pagsusuri, elemento ng pandaraya, fraud triangle, mood types, scam text messages