ABSTRACT: Ang layunin ng pag-aaral na ito ay tuklasin at ilarawan ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng Wikang Filipino sa ilalim ng programang (BSED Filipino). Gumamit ang pag-aaral na ito ng disenyo ng pinaghalo-halong metodo, na may parallel convergent approach. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay ang mga mag-aaral sa Mayoryang Filipino ng KCAST. Mayroong 154 na mag-aaral na pinili nang sapalaran para sa kwantitatibo na datos at 14 mag-aaral na pinili para sa kwalitatibo na bahagi. Sa kwantitatibo na bahagi naman ay ipinakita ang mga resulta na ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng Wikang Filipino ay mataas. Bukod pa rito, may positibong katamtamang ugnayan sa pagitan ng kakayahan at kasanayan sa wika ang mga mag-aaral. Sa kwalitatibo na bahagi naman ay ipinakita na ang kanilang mga karanasan at estratehiya sa pagpapabuti ng kanilang kasanayan sa Wikang Filipino ay nahubog ng mga iba’t ibang salik sa pagkatuto. Dagdag pa, ang mga pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang kakayahan sa paggamit ng Filipino ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagpapalago ng kumpiyansa sa pamamagitan ng praktikal na aplikasyon, paglikha ng suportadong kapaligirang pampagkatuto, paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo, pakikilahok na magkakasamang matuto, at patuloy na pag-unlad ng pagkatuto ng wikang Filipino. Ang mga datos mula sa kwantitatibong bahagi ay tumutugma sa resulta ng kwalitatibong bahagi.
Keywords – pidbak ng guro, pag-uugali tungo sa pagkatuto ng wikang Filipino, mixed methods study, medyor sa Filipino, Pilipinas