ABSTRAK : Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay mailahad ang mga karanasan ng mga piling mag-aaral sa BSED Medyor sa Filipino ng Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, bilang bago at dating lider ng organisasyong PNOY, kaakibat ng minimithing tagumpay sa akademiko. Gumamit ang pag-aaral ng kwalitatibong disenyo ng pananaliksik gamit ang penomenolohiyang pagdulog. Ang mga kalahok ay binubuo ng sampong (10) mag-aaral na may karanasan sa pamumuno ng organisasyong PNOY. Limang (5) mga kalahok para sa malalimang panayam (in-depth interview) at ibang limang (5) kalahok naman ang para sa pangkatang talakayan (focus group discussion). Lumabas sa pag-aaral na may malalim na epekto ang pagiging lider sa kanilang akademikong pagganap, ito ay ang oras na inilaan para sa pag-aaral at personal na pag-unlad. Dagdag pa, lumitaw din ang kahalagahan ng epektibong pamamahala sa oras, suporta galing sa tagapayo, pagiging bukas sa opinyon ng iba at kakayahang balansehin ang mga tungkulin upang mapanatili ang tagumpay sa larangan ng akademiko at pamumuno. Nalaman din na ang pagiging lider ay hindi lamang isang responsibilidad, kundi isang proseso ng pagkatuto at paghubog ng pagkatao. Inirerekomenda na magkaroon ng mas malawak na saklaw at masusing pagsusuri sa mga estratehiya ng pamamahala ng oras at stress ang susunod na mananaliksik, upang mas maunawaan ang pangmatagalang epekto ng sabayang responsibilidad sa akademiko at pamumuno ng mga mag-aaral