ABSTRACT : Deskriptibong pagsisiyasat ang ginamit sa pananaliksik na ito upang malaman ang kaugnayan ng Multiple Intelligences sa pagtuturo ng Filipino at performans ng may 300 mag-aaral sa baytang walo ng Pedro Guevarra Memorial National High School.Bahagi rin ng pag-aaral na ito ang pitong (7) guro sa asignaturang Filipino sa ikawalong baytang, upang tuklasin ang istratehiyang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino batay sa Multiple Intelligences ng mga mag-aaral. Lumabas sa pag-aaral na higit na nakararami ang mga respondente o mag-aaral na naniniwala sa kanilang katalinuhan lalong higit kung ang paguusapan ay ang kanilang katalinuhang linguistic at interpersonal. Halos umabot sa kalahati ng bilang ng mga mag-aaral o respondente ang kanilang pagtataya sa iba pang mga karungan na kasama sa mga indikasyon ng pag-aaral sa mga sumusunod: Ang karunungang musical; malapit dito ang karunungang visual. Pinakamababa ang Kabuuang iskor ng mga sumusunod na indikasyon: Matematical at intrapersonal. Hindi makabuluhan ang pagkakaiba-iba ng mga pangunahing katalinuhan ng mga kalahok batay sa kanilang kasarian. Sa pagtatasa ng iba’t ibang baryabol, makikita na makabuluhan ang pagkakaiba ng mga mag-aaral sa aspetong mathematical, visual, kinesthetic, at musical; Kung may ugnayan man ang edad, hanapbuhay ng ama at ina sa katalinuhan ng mga respondente, ang ugnayan ay masasabing hindi mahalaga. Karamihan sa mga baryabol na naglalarawan sa multiple intelligences ay hindi makabuluhan ang ugnayan sa performans nila sa asignaturang Filipino; Tanging ang katalinuhang musical ang nakapagpatunay na may kabuluhan ito sa performance ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.
KEYWORDS : Asignaturang Filipino, Multiple Intelligence, Pagtuturo at Pagkatuto, Performans,