ABSTRACT: Sa mabilis na pag-unlad ng makabagong teknolohiya, ang social media ay nagiging pangunahing daluyan ng komunikasyon ng kabataan. Kasabay nito ang ebolusyon ng mga bagong salita na nabuo sa iba’t ibang pamamaraan ng pagbabalbal na ginagamit ng mga kabataan sa iba’t ibang plataporma ng sosyal medya partikular ang Fcaebook, Instagram at Tiktok at epekto nito sa bokabularyo. Sinikap sagutin sa pag-aaral ang mga suliraning1. Ano ang mga napapanahong salita na madalas gamitin ng mga kabataan sa social media, kabilang na sa Facebook; Instagram; Tiktok? 2. Ano ang napapanahong initialism o chat abbreviation ang ginagamit sa social media?3. Ano ang epekto ng mga napapanahong salita sa bokabularyo ng mga tao partikular sa mga kabataan? Ang isinagawang pag-aaral ay gumamit ng kwalitatibong pagsusuri sa mga komento, kapsyon, at post mula sa iba’t ibang social media platform tulad ng Facebook, Instagram, at Tiktok. Sinuri ang mga napapanahong salita, akronim at slang kung paano ito nabubuo, ginagamit, at nakaaapekto sa bokabularyo ng kabataan. Lumabas sa pagsusuri na ang mga salitang balbal na ginagamit ng kabataan ay dumaraan sa iba’t ibang prosesong lingguwistiko tula ng pagpapaikli (―jan,‖ ―ayoko‖), pagpapalit o pagpapastayl ng letra (―qpal,‖ ―beshy‖), pagbabaliktad (―omsim,‖ ―amats‖), at semantikong pagbabago (―awit,‖ ―toyo‖). Sa Instagram naman, lumitaw ang mga salitang hinango mula sa Ingles at kultura ng social media tulad ng ―flex,‖ ―ghost,‖ ―shiminet,‖ at ―lowkey.‖ Sa TikTok, namayani ang mga terminong tulad ng ―bet,‖ ―delulu,‖ ―xd,‖ at ―mi,‖ na madalas ginagamit sa konteksto ng humor, pakikipagbiruan, at identity expression. Sa kategoryang Akronim, nakita ang laganap na paggamit ng ―fyp,‖ ―ty,‖ ―tbh,‖ ―pov,‖ ―iykyk,‖ at ―jk,‖ na nagsisilbing paraan upang mapabilis ang komunikasyon. Sa kabuuan, napatunayan na ang wikang balbal ay patuloy na umuusbong bilang makabuluhang anyo ng komunikasyon ng kabataang Pilipino sa digital na panahon.
KEYWORDS: Social media, Facebook, Instagram, Tiktok, Balbal, Slang, Akronim, Digital na Panahon, Wika