ABSTRAK-Nilayon ng pag-aaral na ito na suriin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbuo ng pangungusap, isang mahalagang kasanayan sa mabisang komunikasyon at akademikong pagkatuto. Gumamit ang mananaliksik ng descriptive research design upang matukoy ang kasalukuyang kakayahan ng mga magaaral sa wastong pagsunod sa gramatikal na tuntunin, pagkilala sa bahagi ng pangungusap, at lohikal na pagbuo ng kaisipan. Ang mga kalahok ay binubuo ng mga mag-aaral mula na nasa Grade 11 sa paaralang Miscro Asia College Of Science And Technology, Sta. Cruz, Zambales, na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Ginamit sa pagkalap ng datos ang nabuong pagsusulit na sumukat sa tatlong aspekto: (1) kaalaman sa paggamit ng bantas, (2) wastong pagpili ng salita o bokabularyo, at (3) kakayahang kumilala ng ayos ng pangungusap. Ipinakita sa resulta na karamihan sa mga mag-aaral ay nasa katamtamang antas ng kaalaman, partikular na nahihirapan sa pagkilala sa wastong gamit ng pangngalan, pandiwa, at pangatnig sa loob ng pangungusap. Natukoy din na may mga salik tulad ng kakulangan sa pagbabasa, limitadong kasanayan sa gramatika, at kakulangan sa gabay sa pagsasanay sa pagsulat ang nakaaapekto sa kanilang pagbuo ng pangungusap. Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda ng pag-aaral ang paghahanda ng mas sistematikong aralin, karagdagang gawaing pampagsasanay, at paggamit ng makabagong estratehiya sa pagtuturo upang mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng pangungusap. Ang pag-aaral na ito ay nagbibigaydiin sa kahalagahan ng patuloy na pagpapalawak ng kaalaman sa gramatika bilang pundasyon ng mabisang komunikasyon sa Filipino at bilang susi sa mas mataas na antas ng kasanayang pang-akademiko.
SUSING SALITA: Pabuo ng pangungusap, Bantas, Bokabularyo, Karaniwan at di-karaniwan