ABSTRACT: Ang pananaliksik na ito ay may layuning mailarawan ang mga gawi sa pag-aaral at antas ng stress ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang, gayundin ang pagtukoy kung may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng dalawang baryabol. Isinagawa ang pag-aaral gamit ang descriptive-correlational na disenyo ng pananaliksik. Gumamit ang mananaliksik ng talatanungang binubuo ng dalawang bahagi: (1) mga gawi sa pagaaral at (2) antas ng stress, na kapwa gumagamit ng limang antas ng Likert Scale. Isinagawa ang pagsusuri ng datos sa pamamagitan ng frequency at percentage para sa demograpikong impormasyon ng mga respondente, mean at standard deviation upang matukoy ang antas ng mga gawi sa pag-aaral at antas ng stress, at Spearman’s Rank-Order Correlation Coefficient upang malaman kung may makabuluhang ugnayan ang dalawang baryabol. Inaasahang magsisilbing batayan ang resulta ng pag-aaral sa pagbuo ng mga programang makatutulong sa pagpapabuti ng mga gawi sa pag-aaral at sa pamamahala ng stress ng mga mag-aaral. Maaari ring magsilbi itong sanggunian ng mga guro, administrador, magulang, at mga susunod na mananaliksik sa pagbuo ng mga interbensiyong magpapataas ng kalidad ng pagkatuto at kapakanan ng mga mag-aaral.
KEYWORDS : mga gawi sa pag-aaral, antas ng stress, ikaanim na baitang, descriptive-correlational, Spearman correlation