ABSTRACT : Ang pag-aaral na ito ay nag-imbestiga sa epekto ng culturally responsive teaching na tumutugon sa kultura sa interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng wika, partikular sa mga estudyanteng nasa ikatlong taon ng edukasyon. Ang pangunahing layunin nito ay tukuyin ang ugnayan sa pagitan ng mga estratehiyang nakabatay sa kultura sa pagtuturo at ng motibasyon at pakikisangkot ng mga mag-aaral sa pagaaral ng wika. Gumamit ito ng isang convergent parallel mixed methods design na nagsasama ng datos mula sa parehong quantitative at qualitative na mga mapagkukunan. Ang bahaging quantitative ay nasa anyo ng mga survey questionnaire na na-analisa gamit ang statistical correlation, habang ang qualitative na datos ay nakolekta sa pamamagitan ng mga panayam at thematic analysis. Ipinakita ng mga natuklasan na mayroong makabuluhang positibong ugnayan sa pagitan ng paggamit ng mga estratehiyang nakabatay sa kultura sa pagtuturo at mas mataas na interes at aktibong pakikisangkot ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng wika. Natuklasan sa pananaliksik na ang mga magaaral ay nagiging mas masigla at tiwala sa pag-aaral kapag ang mga aktibidad sa silid-aralan ay may kaugnayan sa kanilang kultura. Ang karaniwang konklusyon mula sa pag-aaral ay ang integrasyon ng mga kultural na pagkakakilanlan sa pagtuturo ng wika ay nagreresulta sa mas mataas na motibasyon at epektibong pag-aaral. Ang mga natuklasan ay isang makabuluhang kontribusyon sa larangan ng edukasyon, lalo na sa larangan ng pagbuo ng mga estratehiya sa pagtuturo sa eduksiyon ng wika sa pamamagitan ng katanggap-tanggap na pamamaraan.
KEYWORDS – edukasyon, culturally responsive teaching, interes sa wika, pagsusuring korelasyon, pilipinas