ABSTRACT : Laganap na ang paggamit ng social media sa pang-araw-araw na gawain sa buhay ng bawat tao lalo na sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay gumawa ng pagsusuri sa pananaw ng mag mag-aaral sa sekondarya sa naging impluwensiya ng social media sa pagkatuto sa asignaturang Filipino. Layunin ng pag-aaral na ito na alamin kung paano nakatutulong ang social media sa pagkatuto ng mga mag-aaral at ang mga naging epekto nito. Gumamit ng kwantitatibong pananaliksik sa may 44 na kalahok mula sa Integrated Laboratory School (ILS) ng WMSU. Ang paggamit ng social media sa pag-aaral ay mayroong kalakip na epekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral at lumitaw sa pag-aaral na parehong may positibo at negatibong epekto ang paggamit ng social media sa pagkatuto. Isinasaad din sa pag-aaral na ito ang gampanin ng isang guro at ang pagsulong ng 21st century skills ng mga mag-aaral ayon sa impluwensiya ng social media sa kanilang pagkatuto sa asignaturang Filipino. Nabanggit rin ang mga hamon na kinakaharaap sa paggamit ng social media. Sa kabuuan, iminumungkahi ng pagaaral na ito ang responsableng paggamit ng social media sa pagkatuto.
KEYWORDS- Asignaturang Filipino, Impluwensiya ng social media, Pananaw,