ABSTRAK: Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang representasyon ng kasarian sa mga piling maikling kwento ni Severino Reyes upang maunawaan ang epekto nito sa pananaw ng mga mambabasa hinggil sa gender roles at pagkakapantay-pantay. Gumamit ang mananaliksik ng labindalawang (12) maikling kwento ni Severino Reyes bilang batayan ng pagsusuri. Sa pamamagitan ng diskursibong pagsusuri, natukoy ang mga paraan kung paano inilalarawan ang kasarian sa panitikan at ang mga implikasyon nito sa kamalayan ng lipunan. Sinuri sa pagaaral ang representasyon ng kasarian sa labindalawang maikling kwento ni Severino Reyes at lumitaw ang paulitulit na tradisyonal na paglalarawan. Kadalasang inilalarawan ang kababaihan bilang masunurin at emosyonal, habang ang kalalakihan ay makapangyarihan at dominante. Natukoy ang pitong proseso ng representasyon at apat na anyo ng pagkiling, kabilang ang istereotipikal na gampanin, hindi pantay na bisibilidad, at pagkakasunodsunod ng pagbanggit ng mga tauhan. Bagama’t pantay ang bokasyong inilalarawan, nanatili ang mga stereotype. Ipinapakita ng mga natuklasan ang kahalagahan ng mas inklusibong panitikan sa edukasyon at ang papel nito sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian sa lipunan.
Mga Susing Salita – kasarian, representasyon, panitikan, pagkakapantay-pantay, maikling kwento, Severino Reyes