ABSTRAK : Ang pag-aaral na ito sa paraang mixed-method ay sinuri ang antas ng interes sa pagbasa sa mga klasikong akda. Karagdagan nito, ginamit ang disenyong convergent parallel mixed method dahil dito nakakukuha ng iba-iba at komplementaryong datos sa parehong paksa. Sa kwantitatibong yugto, ginamit ang stratified random sampling para sa pagkuha ng populasyon na mayroong 99 na mga mag-aaral ang tumugon sa pag-aaral at sa kwalitatibong yugto, ginamit naman ang purposive sampling sa pagkuha ng bilang ng partisipante na may 14 na nakilahok, 7 sa pinalalim na panayam (In-Depth Interview) at 7 sa pangkalahatang talakayan (Focus Group Discussion). Sa resulta naman ng pag-aaral na ito partikular na sa kwantitatibong bahagi, ang tatlong indekeytor na pagsisikap, motibasyon at pagpapalagay sa pagbasa sa mga klasikong akda ng mga mag-aaral ay may kabuoang resulta na mataas o ang antas ng interes sa pagbasa sa mga klasikong akda ay madalas na naipamalas. Samantala sa kwalitatibong bahagi, batay sa mga resultang nakuha sa pakikipanayam nabuo ang sampong (10) pangunahing tema; pagpapahalaga sa wika, banghay at damdamin sa panitikan, masusing pagsusuri sa wika, estilo at konteksto, pagtuklas ng aral at kultura sa panitikan, pagtuklas ng aral at kahalagahan ng panitikan, pagpapalalim ng wika at pag-unawa sa Filipino, paglinang ng interes sa makabuluhang akda,