ABSTRAK : Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang masusing suriin ang kalagayan ng pagbasa ng mgamag-aaral sa Baitang 7 at 8 ng Barretto National High School, partikular na ang mga nasa antas ng pagkabigo.Sa pamamagitan ng Explanatory Sequential Mixed Methods Design, pinagsanib ang datos mula sa pagsusulit atmga personal na karanasan ng mga bata upang makabuo ng isang angkop na interbensyong materyal na tinawagna IKABASA. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Explanatory Sequential Mixed Methods Design (Creswell &Plano Clark, 2018). Ang disenyong ito ay estratehikong pinili upang bigyang-daan ang dalawang magkasunod nayugto: ang kwantitatibo at kwalitatibo. Sa halip na magkahiwalay na pagsusuri, ang mga numerikal na datos mulasa unang yugto ang magsisilbing pundasyon sa pagbuo ng mga katanungan para sa kwalitatibong bahagi. Layuninnitong gamitin ang karanasan ng mga kalahok upang bigyang-linaw at palalimin ang mga resultang nakuha mula samga estadistika (Ivankova et al., 2006).