ABSTRACT: Ang pag-aaral ay nakatuon sa pagbuo ng suplementaryong materyal na naglalaman ng kontekstuwalisadong tekstong di-piksyon. Ginamit sa pag-aaral ang Research & Development na disenyo ng pananaliksik sa pagsukat sa antas ng kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat gayundin ang pagsukat ng antas ng balidasyon at pagtanggap ng Hambalon-Lokal sa Pampublikong Senior High School. Batay sa resulta ng pananaliksik, mataas ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng kontekstuwalisadong tekstong dipiksyon. Ang nabuong Hambalon-Lokal sa Pampublikong Senior High School ay natuklasang nakakuha ng mataas na antas ng balidasyon, gayundin, nakakuha ito ng pinakamataas na antas ng pagtanggap mula sa guro at mag-aaral. Lumabas din sa pananaliksik na may makabuluhang kaibahan ang antas ng pagtanggap ng mga magaaral at guro sa nabuong Hambalon-Lokal bilang supplemental na kagamitan sa pagbasa. Lumabas na mayroong kaibahan ang pananaw ng mga guro at mag-aaral ukol dito. Ang resultang ito ay maaaring maging batayan upang higit pang mapabuti ang layunin at pagtataya ng Hambalon-Lokal upang higit pa itong umayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral.
KEYWORDS : Balidasyon, Kasanayan sa Pagbasa, Kontekstuwalisasyon, Pagtanggap, Tekstong Di-Piksyon