ABSTRAK : Sa makabagong panahon at sistema ng edukasyon, higit na mahalaga ang pagtukoy, pag-unawa at pagtanggap sa digital literacy para sa mga mag-aaral at guro sa paggamit ng artificial intelligence (AI) bilang pangunahing kasangkapan at teknolohiya sa katungkulan sa proseso ng pagkatuto at pagtuturo. Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na tukuyin at suriin ang iba‘t ibang nakaangkla na antas sa kaalaman, kahandaan at integrasyon ng pangunahing mga mag-aaral at guro gayundin, ang kaukulang kabuluhang pagkakaiba at ugnayan ng mga salik o hamon na nakaaapekto sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa pagkatuto at pagtuturo sa Filipino. Pinagbatayan sa pag-aaral, ang mga teoryang Technology Acceptance Model (TAM) ni Davis (1989) bilang balangkas teoretikal, at Teoryang Konsyus. Karagdagan, layunin din ng pagtalunton na suriin ang ugnayan sa pagitan ng persepsyon at paggamit ng AI at sa akademikong larang sa asignaturang Filipino ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang ng Ayala National High School, Taong Panuruan 2025-2026. Ginamit ang deskriptibong kwantitatibong pamamaraan na disenyo, kung saan anim (6) na guro sa Filipino at tatlumpu (30) na bilang ng mga mag-aaral ang tumugon sa sarbey kwestyoneyr upang masukat ang kanilang antas na kakayahan sa kaalaman, kahandaan at integrasyon sa paggamit ng artificial intelligence (AI).