ABSTRAK : Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang mga estratehiyang metakognitib sa pag-unawa ng pagbabasa at ang kaugnayan nito sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa SHS Silingang Distrito ng Dipolog sa Asignaturang Filipino sa taong panuruan 2024-2025. Ang metodong ginamit ay ang deskriptibong correlational. Mayroong limang daan at isa (501) na respondenteng sumali sa pag-aaral na ito. Weighted mean, standard deviation, at Spearman Rank-Order Correlation Coefficient (Spear man- rho) ay ang mga statistikal na kasangkapan na ginamit kasama ang JAMOVI bilang statistical software. Ang antas ng estratehiyang metakognitib bago magbasa, habang nagbabasa, at pagkatapos magbasa ay mataas. Walang makabuluhang ugnayan ang antas ng estratehiyang metakognitib at akademikong performans ng mga respondente. Batay sa mga natuklasan, inirekomenda ng mananaliksik na ang mga Opisyal ng DepEd, sa pamamagitan ng mga punong-guro ng mga paaralan, ay maaring gamitin ang mga natuklasan sa pag-aaral na ito bilang mahalagang input sa kanilang plano sa pagsasanay ng mga guro upang maiangat at mapaunlad pa ang kanilang pagtuturo. Ang mga natuklasan sa pag-aaral na ito ay maaaring gamitin ng mga guro sa Filipino bilang mahalagang basihan sa kanilang pagmuni-muni upang mapaunlad pa ang kanilang pagkadalubhasa sa pagtuturo.
Mga Susing Salita: estratehiyang metakognitib, akademikong performans, Senior High School, asignaturang Filipino