ABSTRACT: Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng kwalitatibong disenyo na multiple case study upang tukuyin at unawain ang mga karanasang buhay ng mga piling miyembro ng KCAST Dance Company. Layunin ng pag-aaral na alamin ang mga hamon, estratehiya sa pagharap, at mahahalagang hinuha mula sa karanasan ng tatlong kalahok: isang pamilyadong estudyante, isang working student, at isang SK leader. Gamit ang purposive sampling, isinagawa ang malalimang panayam sa mga kalahok at kani-kanilang informant upang makalap ang masinsing datos. Lumabas sa resulta na ang mga kalahok ay nakaranas ng kakulangan sa oras, pisikal at mental na pagkapagod, at limitadong suporta mula sa kapaligiran. Gayunpaman, matagumpay nilang hinarap ang mga balakid sa pamamagitan ng mahusay na pamamahala ng oras, suporta mula sa kapwa miyembro, at matibay na determinasyon. Napatunayan din na ang pagsali sa dance company ay nakatutulong sa paghubog ng disiplina, katatagan, at pagpapahalaga sa sining. Ang pinagsama-samang datos mula sa bawat kaso ay nagbigay-linaw sa pagkakapareho at pagkakaiba ng kanilang mga karanasan bilang mga estudyanteng mananayaw sa konteksto ng isang probinsyal na institusyon.
KEYWORDS – Karanasang Buhay, Mananayaw, KCAST Dance Company, Multiple Case Study, Philippines.