ABSTRACT : Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng maikling kuwento at malaman ang akademikong pagganap ng mga piling mag-aaral ng President Ramon Magsaysay State University para sa taong panuruan 2019-2020. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong disenyo ng pananaliksik at katulong ang talatanungan upang makakalap ng mga datos mula sa piling tagatugon na kinabibilangan ng animnaput-walong mag-aaaral sa President Ramon Magsaysay State University sa Iba, Zambales Batay sa buod na kinalabasan ng pag-aaral, ang mananaliksik ay humantong sa paglahad ng konklusyon tuald ng sumusunod:Ang mag mag-aaaral ay nakakamit ng “Mas Mahusay” na akademikong pagganap sa asignaturang Filipino 2. “Mahusay” ang mga mag-aaral sa pag-alam ng damdamin ng mga tauhan at nilalaman ng akda samantalang “Pinakamahusay” sa paghinuha ng kahulugan sa tulong ng pahiwatig.“May katamatamang Kahirapan” ang mga mag-aaral sa pag-alam ng damdamin ng mga tauhan at nilalaman ng akda samantalang “Napakadali” sa paghinuha ng kahulugan sa tulong ng pahiwatig.“Lubos na Ginagamit” ng mga guro ang istratehiyang pampagturo sa pagsusuri sa akdang pampanitikan ng maikling kuwento.Mayroong pagkakaiba ang mga pananaw ng mga tagatugon ayon sa antas ng kakayahan sa pagsusuri ng mga mag-aaral sa akdang pampanitikan ng maikling kuwento.Walang kaugnayan ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa istratehiyang Pampagtuturo ng mga guro.Walang kaugnayan ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa antas ng kakayahan sa pagsusuri ng mga mag-aaral sa akdang pampanitikan ng maikling kuwento.