ABSTRAK: Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay suriin at unawain ang hamon ang mga karanasan na kinakaharap ng mga di-Filipino na guro na nagtuturo ng Panitikang Filipino sa mga pampublikong guro gamit ang penomenolohikal na pagdulog, tinalakay ng pag-aaral kung paano nakaapekto ang mga hadlang sa kanilang pagtuturo at paano nila pinahalagahan ang kalidad ng edukasyon. Ang pangunahing hamon na natukoy ay ang kakulangan sa kasanyan sa Wikang Filipino, hirap sa pagpapaliwanag ng mga malalim na termino, kakulangan ng mga guro sa espesyalisasyon sa larangan ng Panitikang Filipino. Bukod dito tinalakay din ang epekto ng mga pagbabago sa interes at pananaw ng mga mag-aaral, lalo na sa makabagong henerasyon na hindi gaano tumatangkilik sa Panitikang Filipino. Ipinakita ng pananaliksik na sa kabilang ng mga hamon, ang mga di-Filipinong guro ay gumagamit tulad ng pagsasanay sa sarili, pag-aangkop ng mga makabagong teknolohiya at ang pagbibigay diin sa pagpapalaganap at kasaysayan sa kanilangan mga leksyon upang mapanatili ang kalidad ng pagtuturo. Iminumungkahi ng pag-aaral ang pangangailangan ng mas malalim na suporta mula sa mga instittusyon ng edukasyon upang mas mapabuti ang pagtuturo ng Panitikang Filipino sa mga guro, pati narin ang pagpapalawak ng mga oportunidad sa kanilang propesyunal na pag- unlad.