ABSTRACT : Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang karanasan ng mga mag-aaral sa paggamit ng Wikang Balbal at naging epekto nito sa katatasan sa pagsasalita ng Wikang Filipino. Kaya naman ang pag-aaral na ito ay ginamit ang mixed-methods na pamamaraan upang matukoy ang mga karanasan ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang balbal at katatasan sa pagsasalita ng wikang Filipino ng mga mag-aaral ng BSEd Filipino, kung saan ginamit ang convergent parallel na disenyo. Sa kwantitatibong yugto nagkaroon ng 154 na mag-aaral ng BSEd Filipino na tumugon sa pag-aaral, habang sa kwalitatibong yugto nagkaroon ng 14 na tagatugon. Base sa naging resulta sa kwantitatibong bahagi, isiniwalat na ang lebel ng paggamit ng wikang balbal at katatasan sa pagsasalita ng wikang filipino ay mataas, dagdag pa ang dalawang baryabol ay mayroong makabuluhang ugnayan batay sa naging resulta r (154) = .341, p<001. Sa kwalitatibong bahagi naman ay naisiwalat ang mga naging karanasan at pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang balbal sa kanilang pakikipagtalastasan at mayroong nakita na anim na tema batay sa kanilang mga naging sagot. Ang integrasyon ng datos sa parehong kwantitatibo at kwalitatibo na resulta ay nagpahiwatig na mayroong convergent sa mga natuklasan mula sa parehong datos.
KEYWORDS : wikang balbal, katatasan sa pagsasalita ng wikang Filipino, mga mag-aaral ng medyor sa Filipino, komunikasyon, Pilipinas