ABSTRAK: Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang lebel ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa Grade 10 sa iba’t ibang uri ng teksto, partikular sa aspektong literal at inferensyal na pag-unawa. Gumamit ang mananaliksik ng deskriptibong disenyo at nakalap ang datos sa pamamagitan ng 10-item para sa literal at sampung item para sa inferensyal na pagsusulit na nakatuon sa komprehensiyon. Ipinakita ng resulta na ang mga mag-aaral ay nasa Independent Level (proficiency) para sa literal at Independent Level (basic) para sa inferensyal na mahusay sa pagtukoy ng mga tuwirang impormasyon. Ngunit nakita rin sa pag-aaral na mayroon pa ding mga mag-aaral na nasa level ng Instructional at Frustration. Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda ang pagpapatupad ng mga programang pampagkatuto at mas pinahusay na estratehiya sa pagtuturo upang mapaunlad ang kasanayan sa komprehensiyon ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay nagbigay-diin sa pangangailangan ng sistematikong suporta upang mabigyang-lakas ang kakayahang bumasa at umunawa ng mga mag-aaral.
MGA SUSING SALITA: Independent Level (Proficiency), Independent Level (Basic), Instructional, Frustration, Non-reader