ABSTRACT: Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa kahalagahan ng epektibong pamamahala ng oras ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa gitna ng kanilang mga akademikong gawain at personal na obligasyon. Gumamit ang mananaliksik ng multiple-case study approach at pinili ang tatlong kalahok sa pamamagitan ng purposive sampling batay sa itinakdang pamantayan. Isinagawa ang panayam upang mailahad ang kanilang mga karanasan, at sinuri ang datos sa pamamagitan ng tematikong pagsusuri. Tatlong pangunahing tema ang lumitaw. Ito ay ang kahirapan sa pag-unawa ng aralin at akademikong pagganap, pagsubok sa pagbabalanse ng personal na obligasyon at pag-aaral, at kagustuhan sa mas mahabang oras ng klase. Bilang tugon sa mga hamon, ginamit ng mga mag-aaral ang iba’t ibang estratehiya tulad ng sariling pag-aaral, paggamit ng online resources, pagtanggap ng suporta mula sa iba, at mahusay na pamamahala ng oras. Ipinakita ng pag-aaral na mahalaga ang kombinasyon ng teknolohiya, suporta ng kapwa, at sariling diskarte upang mapagtagumpayan ang buhay-kolehiyo. Ang mga natuklasan ay makatutulong sa mga guro, mag-aaral, at mananaliksik sa pagpapalalim ng pag-unawa sa papel ng oras sa tagumpay ng mga estudyante.
KEYWORDS – akademikong pagganap, asynchronous, multiple case, pag-aaral sa kolehiyo, synchronous