PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA SA PAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO SA MAKABAGONG PANAHON – AJHSSR

PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA SA PAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO SA MAKABAGONG PANAHON

PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA SA PAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO SA MAKABAGONG PANAHON

ABSTRAK : Layunin ng pag-aaral na ito na mailarawan ang pananaw ng mga guro sa pag-utilized o paggamit ng makabagong teknolohiya sa pang-araw-araw na pagtuturo ng asignaturang Filipino. Ang nasabing pag-aaral ay gumamit ng panlarawang pamamaraan at isinagawa ito sa mga gurong nagtuturo ng Filipino sa mga distrito ng Alfonso Lista, Ifugao at Paracelis, Mountain Province, gamit ang isang talatanungan sarbey bilang pangunahing instrumento sa pangangalap ng datos. Napatunayan lamang na karamihan sa mga tagatugong guro ay halos sumasang-ayon sa paggamit ng mga makabagong pamamaraan sa pagtuturo at ipinakita rin dito ang kanilang kahandaan at madalas na paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa klase. Kung kaya, napag- alamang malaki ang naitutulong nito upang mapadali ang pagkatuto ng mga tinuturuan sa kasalukuyang panahon, lalo na sa kontekstong pang-edukasyon na mas nangangailangan ng inobasyon at interaktibong pamamaraan o teknik sa pagbabahagi ng mga kaalaman. Batay pa sa mga nakalap na datos, ang mga tagatugon ay gumagamit ng iba’t ibang uri ng teknolohiya tulad ng mga presentasyon software, bidyong pang-edukasyunal at sistema ng pamamahala ng pagkatuto upang gawing mas kapaki-pakinabang, kawili-wili at mabisa ang pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa katunayan, napag-alamang ang epektibong paggamit ng teknolohiya ay nangangailangan ng sapat na kaalaman, patuloy na pagsasanay at buong suporta mula sa institusyon o paaralang kinabibilangan. Sapagkat hindi lahat ng bagay ay madaling matutuhan lalo kung teknolohiya ang pinag-uusapan, mahalagang bigyang-pansin ang patuloy na paglinang ng kakayahan ng mga gurong humuhubog sa kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral. Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral, inirerekomenda ang pagkakaroon ng regular na mga seminar at workshop upang mas mapalawak pa ang kaalaman ng mga guro sa paggamit ng teknolohiya bilang isang mabisang kasangkapan sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan ng mga tinuturuan. Higit sa lahat, ang makabagong teknolohiya ay hindi lamang opsyonal kundi isang mahalagang bahagi ng edukasyon sa makabagong panahon