ABSTRAK: Ang talumpati ay isa sa pinakamahalagang anyo ngkomunikasyon ng tao. Sa pamamagitan nito, naipapahayag at naipagpapalitan natin ang mga ideya, saloobin, damdamin at impormasyon. Kapag epektibo ang Isang talumpati, nagiging daan ito sa malinaw at makabuluhang ugnayan, na nagpapalalim ng pag-unawa at koneksyon sa pagitan ng mga tao. Sa ganitong konteksto, isinagawa ang pag-aaral na ito upang suriin ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr. Layuning suriin ang paggamit ng wika at retorika. Gamit ang kwalitatibong disenyo ng pananaliksik at diskurso ng pagsusuri ng transkrip at ito nagsisilbing batayan ang mga teorya sa lingguwistika at retorika upang bigyang kahulugan ang mga natuklasang datos na tinalakay ng SONA bilang bahagi ng korpora ng pag-aaral. Batay sa mga natuklasan, ang aspeto morpolohiya na panghihiram na salita, pinaghalong salita, pagbuo ng tambalan salita, pagkaltas, pagbabago ng kahulugan, paraan ng pagbuo ng salita at sintatikong katangian. Bukod dito, ang estratehiya ng retorika ang ginagamit ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang SONA upang manghikayat at bumuo ng koneksyon sa kanyang mga tagapakinig ay ang tatlong aspeto: ethos, pathos, at logos. Binibigyang-diin ng pananaliksik na ito ang wika at retorika upang hubugin ang opinyon ng publiko at patatagin ang kanyang imahe bilang pangulo.
Keywords- Ferdinand Marcos Jr, katangiang lingguwistiko, paggamit ng wika, retorika at SONA