ABSTRACT : Tinukoy ng pag-aaral na ito ang pagtataya sa pagganap ng mga mag-aaral sa Istenong Filipino. Ginamit ang deskriptibong pamamaraan bilang disenyo ng pananaliksik. Gumamit ng isang 25-item na sariling- gawang talatanungan na may 5-point scale upang makuha ang kinakailangang datos sa pag-aaral, pati na rin ang Pre-test at Post-test upang matukoy ang pagganap ng mga mag-aaral. Sa pag-aaral na ito, lumabas na mahusay na naipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman sa Istenong Filipino, at mahusay din nilang naipapamalas ang kanilang pagganap. Ipinakita rin ng resulta na may pag-unlad sa marka ng mga magaaral sa pre-test at post- test, na nangangahulugang may malaking epekto ang kanilang kaalaman sa kanilang pagganap sa Istenong Filipino. Dahil napakahalaga ng kaalaman upang magkaroon ng mahusay na pagganap, inirerekomenda na magkaroon ng mas maraming aklat na magagamit sa Istenong Filipino. Inirerekomenda rin ang pagbuo ng mga kagamitang panturo sa Filipino Steno na maaaring gamitin ng unibersidad upang mapabuti ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa, pagsulat, at pag-transcribe ng shorthand sa wikang Filipino.
KEYWORDS – Istenong Filipino, Batayan, Pagsasawika, Materyales sa Pagtuturo, Binasa