ABSTRACT : Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang persepsyon at epekto ng bini, isang kilalang Filipino girl group, sa interes ng mga mag-aaral ng Kapalaong College of Agriculture Sciences and Technology sa kultura at turismo ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng pagsusuri ng pananaw ng mga mag-aaral, tinutukoy ng pananaliksik kung paano nakatutulong ang mga makabagong anyo ng kulturang popular sa pagpapalalim ng kamalayan at pagpapahalaga ng kabataan sa kanilang sariling sining at kultura. Ginamit sa pag-aaral na ito ang mga metodolohiyang kwantitatibo, partikular ang sarbey, upang makuha ang pananaw ng 258 na piling magaaral mula sa iba’t ibang programa ng KCAST. Ang mga datos ay inanalisa gamit ang mean at person r upang matukoy ang antas ng persepsyon at epekto ng bini sa kanilang interes. Lumabas sa resulta na may mataas na antas ng interes at positibong epekto ang bini sa pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa kulturang Pilipino. Batay sa natuklasan, iminumungkahi ng pag-aaral na maaring gamitin ang kulturang popular bilang isang epektibong kasangkapan sa pagpapalaganap ng turismo at kultura ng bansa. Dagdag pa rito, nirerekomenda ng mga elementong may kaugnayan sa interes ng Kabataan upang mapalakas ang kailang koneksyon sa saring indentidad bilang Pilipino.