ABSTRACT : Ang pag-aaral na ito ay sumusuri sa persepsyon ng mga mag-aaral sa mga pampublikong senior high school tungo sa paggamit ng teknolohiyang AI. Kung saan, ginamit ang isang convergent design na pamamaraan ng pangangalap ng mga datos. Ang kwantitatibong bahagi ay mayroong 312 na mga mag-aaral na tumugon sa pag-aaral at 10 mag-aaral naman ang sa kwalitatibong bahagi. Ang mga resulta ng pag-aaral ay isiniwalat ang antas ng persepsyon ng mga estudyante sa paggamit ng teknolohiyang AI ay mataas samantalang ang epekto ng paggamit nito batay sa kanilang persepsyon ay naisiwalat sa pamamagitan ng mga sumusunod na tema; Pagpapadali at Pagpapahusay ng Proseso ng Pagkatuto sa Pamamagitan ng Teknolohiya,Labis na Pag-asa sa AI na Humahadlang sa Pagkatuto,Pagsuporta at Pagbalanse ng AI sa Pagkatuto kung saan ang bawat tugon o persepsyon ng mga kalahok ay nagpapahiwatig na may malaking epekto ang paggamit ng teknolohiyang AI sa proseso ng kanilang pagkatuto o pag-aaral ito man ay positibo o negatibong epekto. Ang integrasyon ng datos sa parehong kwantitatibo at kwalitatibo ay nagpapakita ng parehong merging-diverging at merging-converging na resulta.